CALOOCAN, Philippines – Arestado ang isang 29-anyos na lalaking kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) dahil sa dalawang bilang ng kasong Acts of Lasciviousnes at Rape sa Caloocan City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Northen Police District (NPD), naganap ang pag-aresto sa akusado sa kanto ng Talimusok St., Kaunlarang Village, Dagat-dagatan sa nabanggit na lungosd kahapon.
Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge ng Family Court Branch 1 ng Caloocan City laban ditto dahil sa dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610 at may inirekomendang piyansa na Php 200,000 bawat isa.
Wala namang inirekomendang piyansa para naman sa kasong rape na isinampa laban dito.
Ang suspek ay sapat na ipinaalam ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa wikang naiintindihan niya, ngunit pinili niyang manahimik sa buong proseso.
Ginamit ang isang Alternative Recording Device (ARD) sa panahon ng operasyon upang matiyak ang tamang dokumentasyon ng pag-aresto. (Merly Duero)