Home HOME BANNER STORY ‘Lechon capital’ La Loma QC idineklarang ASF-free

‘Lechon capital’ La Loma QC idineklarang ASF-free

265
0

QUEZON CITY, Philippines – Inihayag ng Quezon City government nitong Huwebes na ang La Loma, na kilala bilang lechon capital ng Metro Manila, ay ligtas na sa African swine flu (ASF).

Sinabi ng QC LGU na matapos nilang ipag-utos ang pansamantalang pagsasara ng 14 na tindahan ng lechon o inihaw na baboy sa La Loma na apektado ng ASF, ang mga establisyimento ay nagsagawa ng araw-araw na disinfection sa kanilang mga pasilidad sa loob ng isang linggo, sa tulong ng City Veterinary Department at QC Health Department.

“Bukod sa disinfection, inatasan ang 14 na mga establisyimento na sumunod sa lahat ng sanitary, safety protocols,” ayon sa  LGU.

Sa ngayon, 3 establisyimento ang nabigyan ng lifting order at ngayon ay pinayagang mag-operate muli pagkatapos sumunod sa mga regulasyon ng City Health Department sa City Veterinary Department.

“Patuloy na tutulong ang lokal na pamahalaan sa mga negosyante upang matiyak na ang lahat sa kanila ay makasunod sa mga protocol at manatiling de-kalidad ang mga mababang nagmumula sa La Loma,” saad pa nito.

Nauna nang sinabi ng mga may-ari ng Lechon shop na ang closure order ay dumating sa kritikal na oras kung saan maraming Christmas parties kung saan ang lechon ay karaniwang pagkain. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here