Manila, Philippines – Mariing nanawagan ang iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng Manlaban Coalition o Manggagawa Laban sa Bulok na Sistema Pribatisasyon at Korapsyon dahil sa talamak na korupsyon sa pamahalaan at bulok na pampulitikang sistema na nagpapahina umano sa mga demokratikong institusyon ng gobyerno at nag-aalis sa Filipino ng tapat na mahusay na serbisyo publiko, krisis sa pamahalaan na nangangailangan ng kagyat ng repormang pampulitika.
Sinabi ng grupong Manlaban coalition na ang korupsyon sa pamahalaan ay hindi simpleng isyu nagawa ng individual subalit ito’y direktang sanhi ng political cultures na nabuo sa pamamagitan ng gantimpala at pagtangkilik at pagprotekta sa mga may kapangyarihan.
Sa ginanap na press conference kanina Nobyembre 27, 2025 (Huwebes) sinabi Atty. Luke Espiritu, President ng Bukluran ng Manggagawa ang katiwalian sa Pilipinas ay hindi lamang itinutulak ng mga indibidwal kundi ng kulturang pampulitika na sistematikong nagbibigay ng gantimpala sa pagtangkilik at nagpoprotekta sa mga makapangyarihan.
“Ang nagkakaisang tinig ng mga manggagawang lumalaban sa bulok sa Sistema, pribatisasyon at korapsyon. Tumitindig kami ngayon upang ipahayag ang isang malinaw na katotohanan: ang ugat ng paghihirap ng sambayanang Pilipino ay ang bulok na sistemang matagala nang kumakalainga sa korapsyon, disnastiya at pang-aabuso sa mamamayan’ sabi ni Atty. Espiritu.
Kaugnay nito hinihingi ng Manlaban Coalition ang malalim na reporma sa estruktura, ng gobyerno na tinatawag na Pribitisasyon ng isang”Bulok na Sistemang Pampulitika.
Sinabi pa ni Espiritu na ang sistemang ito ang dahilan ng pagbagsak ng edukasyon, pananatili ng kontraktiwalisasyon na sumisira sa dangal ng manggagawa, lumalawak na maralitang lungsod, kawalan ng tunay na proteksyon sa OFW at patuloy na serbisyong dapat ay karapatan ng bawat Pilipino.
“Bilang manggagawang lumilikha ng yaman ng bansa, tumatanggi kami na magpapatuloy ang ganitong kaayusan. Nanawagan kami sa Kongreso: kung mayroon pang kahihiyan at malasakit ang kasalukuyang Kongreso, panahon na para managot at baguhin ang sistemang sa dinastiya at magbubukas ng pamahalaan sa tunay na sektor ng mamamayan” Idinagdag pa ni Espiritu.
Kaugyan nito sinabi pa ni Espiritu na dapat nang magbitiw sa puwesto si Pangulong Bong Bong Marcos kung may delicadeza pa ito dahil sa talamak na korupsyon sa pamahalaan bunsod ng flood control project anomaly.
Subalit nanindigan din ang Manlaban coalition na tutol din sila na maupo bilang kapalit ni Pres. Marcos si Vice President Sara Duterte dahil na rin sa umano’y pangkakasangkot nito sa anomalya sa confidential fund. (Santi Celario)