MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Philippine Coast Guard (PCG) chief Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga umano’y mga tawag para sa civilian-milotary junta, na sinasabi na walang sinuman ang lumapit sa ahensiya para sa gayong hakbang laban sa administrasyon.
Nauna nang sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nakatanggap siya pero hindi niya pinansin ang alok na sumali sa civilian-military junta na naglalayong tanggalin sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Pangulong Sara Duterte.
Nang tanungin kung may contingency plan ang PCG sakaling magkagulo, sinabi ni Gavan na nakatuon sila sa pagbibigay ng mga serbisyo pampubliko na nararapat sa mga mamamayan
Ang alok ay ginawa ng ilang retiradong tauhan ng militar, ayon kay Lacson, na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) at namuno sa Philippine National Police.
Ang PCG ay isang armed uniform services na attached sa Department of Transportation. Sa panahon ng digmaan, ang Coast Guard ay nasa ilalim ng Department of National Defense.
Noong Martes, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpahayag na walang military junta sa loob ng kanilang organisasyon at hindi ito makikibahagi sa ganitong mga gawain. Jocelyn Tabangcura-Domenden