Home NATIONWIDE Pandaigdigang trafficking ng tigre, lumalala; 9 nasasagip kada buwan

Pandaigdigang trafficking ng tigre, lumalala; 9 nasasagip kada buwan

275
0

KUALA LUMPUR – Sinabi ng wildlife trade watchdog na TRAFFIC, umaabot sa average na siyam na tigre kada buwan ang nasasamsam sa buong mundo sa nakalipas na limang taon, na nagpapakita ng lumalalang krisis sa trafficking na naglalapit sa species sa bingit ng pagkaubos.

“Ang pagtaas na ito ay sumasalamin sa mas mahusay na pagpapatupad ng batas ngunit nagpapahiwatig din ng patuloy at sa ilang lugar, tumitinding kriminal na aktibidad at malawakang demand para sa mga tigre at kanilang bahagi,” ayon kay Ramacandra Wong, senior wildlife crime analyst at co-author ng ulat.

Ayon sa ulat, ang mga kriminal na network sa ilegal na pangangalakal ng tigre ay mabilis na lumalawak kaysa sa kakayahan ng mga conservation measures.

Mula sa tinatayang 100,000 sa ligaw na populasyon isang siglo na ang nakalipas, ang mga tigre ngayon ay nasa 3,700 hanggang 5,500 na lamang.

Itinala ng TRAFFIC sa Skin and Bones report ang 2,551 seizures na kinasasangkutan ng hindi bababa sa 3,808 tigre mula 2000 hanggang kalagitnaan ng 2025.

Mula 2020 hanggang Hunyo 2025, 765 seizures ang naisagawa, o humigit-kumulang siyam na hayop kada buwan.

Ayon sa grupo, mahalaga ang matibay na pandaigdigang kooperasyon at intelligence-led, multi-agency enforcement upang masupil ang organized crime sa likod ng ilegal na pangangalakal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here