Home HOME BANNER STORY P3 bigtime rollback sa diesel, kerosene nakaumang

P3 bigtime rollback sa diesel, kerosene nakaumang

326
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon ng malakihang rollback sa presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo, kasabay ng bahagyang pagbaba ng presyo ng gasolina, ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).

Batay sa nakaraang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), sinabi ni DOE-OIMB assistant director Rodela Romero na ang posibleng pagbabago sa presyo ay: gasolina pababa ng humigit-kumulang ₱0.40, diesel pababa ng ₱3.00, at kerosene pababa rin ng ₱3.00.

Kasama sa mga salik sa projection ang posibleng ceasefire ng Ukraine at Russia na maaaring mag-alis ng Western sanctions sa Russian oil, pati na rin ang pagsusuri ng mga investors sa posibleng oversupply sa merkado ng langis.

Naga-anunsyo ang mga oil companies ng opisyal na adjustments tuwing Lunes, na ipinatutupad sa susunod na araw. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here