Home NATIONWIDE Mga guro nagsagawa ng nationwide sit-down strike

Mga guro nagsagawa ng nationwide sit-down strike

333
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagsisimula ng nationwide sit-down strike noong Nobyembre 28, kung saan ang mga guro sa pampublikong paaralan sa buong Pilipinas ay nagsagawa ng buong araw na alternatibong klase sa kanilang mga silid-aralan bilang protesta sa lumalalang krisis sa edukasyon.

(c) Danny Querubin

Nananatili ang mga guro sa paaralan ngunit sinuspinde ang regular na pagtuturo, at sa halip ay isinagawa ang mga sesyon na tumatalakay sa burukratikong kakulangan, sistemikong korapsyon, kakulangan ng silid-aralan at tauhan, at maling paggamit ng pondo ng bayan sa anomalous infrastructure projects.

“This strike is a collective act of truth-telling. Teachers are turning their classrooms into spaces of critical learning, exposing how corruption and government neglect have pushed our schools and communities into deeper crisis,” ani ACT Chairperson Ruby Bernardo.

Binigyang-diin ng grupo na ang kilos-protesta ay mapayapa, organisado, at alinsunod sa karapatan ng mga guro sa konstitusyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here