Home ENTERTAINMENT Regine, muntik nang mag-judge sa 74th MU!

Regine, muntik nang mag-judge sa 74th MU!

260
0

Manila, Philippines – Conflict sa schedule ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang dapat sana’y pagiging bahagi ni Regine Velasquez ng katatapos lang na 74th Miss Universe na ginanap sa Thailand.

Ito ang ibinihagi ni Louie Heredia nang makausap ng PEP.

Si Louie ay isa sa mga bumubuo ng Selection Committee ng MU.

Ani Louie, inirekomenda niya ang Asia’s Songbird kay Indra Suharjono, kinatawan ni Anne Jakrajutatip–Thai owner ng MU Organization.

Naisip ni Louie si Regine dahil in the past MU editions ay nagsilbing hurado sina Kuh Ledesma at Lea Salonga.

Naging magkaibigan sina Louie at Indra nang makabili ng bahay sa Thailand ang singer.

Louie considers Thailand his second home.

Hinayaan ni Louie na mag-usap sina Indra at Regine para sa posibleng pagdya-judge ng hull.

Nanghinayang lang si Louie nang malaman din mismo kay Regine na hindi ito pumuwede dahil sa conflict sa work sked nito.

Minabuti ni Indra na dumiretso na si Louie sa aktwal na pagdya-judge, yaman din lang na nakasalamuha na nito ang lahat ng mga kandidata.

Nauna rito, naiulat ang tungkol umano sa pagpe-play favorites ni Louie sa pambato nating si Atihsa Manalo–ayon sa paratang ng mga Latinang kandidata.

It was Fatima Bosch of Mexico who was adjudged Miss Universe 2025 samantalang Atihsa finished third runner-up. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here