Home NATIONWIDE 63 Pinoy ligtas, 1 nawawala sa malaking sunog sa Hong Kong

63 Pinoy ligtas, 1 nawawala sa malaking sunog sa Hong Kong

370
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng on-the-ground operations ang Consulate General ng Pilipinas sa Hong Kong matapos ang nangyaring malaking sunog sa mga high rise building.

Ito ay upang mahanap at maalalayan ang mga Pilipino na apektado ng Tai Po fire incident.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kinumpirma ng Consulate General mobile teams na ligtas ang 63 Filipino nationals at 1 ang missing.

Kasalukuyan ding biniberipika ng Consulate General ang estado at kinaroroonan ng 91 Filipino na nakarehistro sa Wang Fuk Court.

Ayon sa DMW, ilan sa mga manggagawa ay maaaring nagpalit ng mga employer, lumipat sa ibang lugar o bumalik na sa Pilipinas bago mangyari ang sunog.

Nanawagan naman ang pamahalaan na pwedeng magbigay ng impormasyon sa apektadong manggagawa o mag-alok ng tulong at suporta ay maaring maabot ang Consulate General sa sumusunod na mga hotline numbers: 9155 4023 (Consular Assistance), 5529 1880 (MWO), at 6345 9324 (OWWA). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here