MANILA, Philippines – Submitted for resolution na ang tatlo sa limang kaso kaugnay sa maanomalyang flood control projects, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, kahapon Nob. 28, na tinapos na ng DOJ ang ikatlong preliminary investigation.
Sa pagdinig aniya ay ang pagtanggap ng prosekusyon sa mga ‘counter-affidavits’ na isinumite ng mga respondents sa kaso.
Ayon kay Martinez, alinsunod ito sa kahilingan ng mga respondents kamakailan ng ‘extension’ sa paghahain ng kanilang salaysay o ‘supplemental counter affidavits’.
Habang ang pagdinig sa natitirang dalawang kaso nama’y itinakda sa susunod na buwan, ika-5 ng Disyembre para sa mga hindi pa nagsusumite ng kani-kanilang kontra salaysay. Jocelyn Tabangcura-Domenden