Home NATIONWIDE Akusasyon ng Russia sa pag-isyu ng visa sa mga Pinoy para lumaban...

Akusasyon ng Russia sa pag-isyu ng visa sa mga Pinoy para lumaban sa Ukraine, pinabulaanan ng German Embassy

378
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng German Embassy sa Maynila ang pahayag ng Russia na nagbibigay umano ito ng visa sa mga Pilipinong nirerekrut para lumaban sa Ukraine sa gitna ng digmaan.

Sa ulat ng Russian news agency na TASS noong Nobyembre 27, sinabi ni Russian Foreign Ministry Spokesperson Maria Zakharova na may mga kinatawan daw ng isang American security company na nagsasagawa ng recruitment sa Pilipinas para sa Ukrainian army.

Ayon pa kay Zakharova, ang mga nag-sign ng kontrata ay binibigyan umano ng Schengen work visa mula sa German Embassy sa Maynila at inililista bilang empleyado ng mga “Berlin-based private security companies.” Pagdating umano nila sa Germany, inililipat sila sa ibang bansa sa European Union, gaya ng Poland at Ukraine.

Mariing itinanggi ito ng German Ambassador sa Pilipinas na si Andreas Michael Pfaffernoschke.

Ipinaliwanag din niya na ang Schengen visa ay hindi puwedeng gamitin para magtrabaho sa loob ng Schengen area. Kailangan umano ng national visa para makapagtrabaho, at tanging visa para sa employment sa Germany ang ini-issue ng embahada.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Foreign Affairs at ang embahada ng US at Ukraine sa Maynila hinggil sa isyu. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here