MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang anti-corruption protests ng ilang grupo sa Luneta sa Maynila sa kabila ng pahayag na hinarang umano ng mga awtoridad ang paghahanda para sa rally ngayong araw, ayon sa Makabayan.
Sinabi ni Makabayan President Liza Maza na nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
“Ma setup man ‘yung stage o hindi, tuloy kami,” sinabi ni Maza sa panayam ng GMA News.
Samantala, sinabi ni dating Gabriela Arlene Brosas na ilang grupo mula sa Liwasang Bonifacio at ilang lugar ang patungo na sa Luneta para lumahok sa kilos-protesta.
“Hindi βyan mapipigilan kasi siyempre the will of the people ang supreme at alam natin ang universal right natin na makapag pahayag dito sa Luneta,” ani Brosas. RNT/JGC