Home HOME BANNER STORY Sunog sumiklab sa Senate building

Sunog sumiklab sa Senate building

316
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa gusali ng Senado sa Pasay City nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 30 ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Sa report, sinabi ng BFP-NCR na ang sunog ay iniulat 6:30 ng umaga at umabot sa ikalawang alarma pagsapit ng 6:58 ng umaga.

Limang fire trucks at ambulansya ang rumesponde sa lugar.

Idineklarang fire out ang sunog 8:20 ng umaga.

Nagsimula umano ang sunog sa commercial area sa ikatlong palapag.

Wala pa namang impormasyon na inilalabas ang BFP-NCR sa posibleng nasaktan, halaga ng pinsala at sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here