Home METRO Mga Obispo nanguna sa misa laban sa korupsiyon, nanawagan ng moral, espiritwal...

Mga Obispo nanguna sa misa laban sa korupsiyon, nanawagan ng moral, espiritwal na pagbabago

302
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Cardinal Pablo Virgilio David na kailangan ng Pilipinas ang isang moral at espiritwal na pagbabalik sa sarili habang pinamunuan niya ang misa nitong November 30 rally kontra korupsiyon sa People Power Monument sa Quezon City.

Inialay ni David ang Misa para sa transparency at accountability  pati na rin para sa pagwawakas ng korupsiyon at paglilinis ng mga institusyon at lipunan.

Hinikayat niya ang mga tao na manalangin para sa liwanag ni Jesus Kristo na magningning sa kadiliman ng mga kasinungalingan, pang-aabuso, at korupsiyon.

Sa homiliya, nanawagan din si Bishop ng Cubao Elias Ayuban Jr. para sa muling pagsilang ng Pilipinas matapos “masugatan nang napakaraming beses”.

Binalaan ni Ayuban ang mga tiwaling opisyal na huwag maging kampante, dahil maraming obispo ang nakibahagi sa nasabing kilos-protesta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here