Home NATIONWIDE ‘Pagsasanay sanlakas’ isinagawa ng PCG, AFP, PNP sa pagpapalakas ng koordinasyon sa...

‘Pagsasanay sanlakas’ isinagawa ng PCG, AFP, PNP sa pagpapalakas ng koordinasyon sa seguridad, sakuna

237
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng tatlong araw na “Pagsasanay Sanlakas” na ginanap sa Camp Aguinaldo ang  Philippine Coast Guard upang palakasin pa ang ugnayan nito sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Lumahok ang mahigit 150 public servants sa scenario-based exercises na nakatuon sa national security at disaster response bilang bahagi ng whole-of-government initiative.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng uniformed services sa pagtugon sa banta at sakuna.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ipinasa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang symbolic emblem kay Rear Admiral Tito Alvin Andal ng PCG, hudyat ng paglilipat ng hosting responsibilities mula AFP patungo sa Coast Guard para sa susunod na pagsasanay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here