Home OPINION ANTI AT PRO MARCOS, ANTI-KORAP AT CBCP

ANTI AT PRO MARCOS, ANTI-KORAP AT CBCP

262
0

KUNG pinagmasdan ninyo ang mga lansangan noong Araw ni Gat Andres Bonifacio, mga Bro, may apat na grupo ang nagrali kaugnay ng anomalya hindi na lang ukol sa flood control kundi sa iba pang mga isyu, kasama ang sa droga na ipinupukol mismo laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sa EDSA People Power Monument, kabilang sa mga pangunahing isyu ang korapsyon ngunit iniwasan ang paghiling na mag-resign si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa parte ng isang mall o EDSA Shrine naman sa Ortigas, bukod sa korapsyon, pinagre-resign naman si Marcos.

Sa Claro M. Recto St, Manila at malapit sa harapan ng Malakanyang, tatlo ang nagrali nang hiwa-hiwalay.

May pro-Marcos na ayaw mag-resign ang Pangulo at may anti-Marcos na pinagre-resign ito.

Ang isang grupo, anti-Marcos at anti-Vice President Sara Duterte.

Ang komon na isyu, korapsyon at pag-resign ni Marcos, maliban lang sa rally sa EDSA People Power Monument na may halo ring anti-VP Sara para sa ilang grupo na sumali.

CBCP AT DAVAO ARCBISHOP

Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kabilang sa mga nag-isponsor ng rally sa EDSA People Power Monument.

Dito iniwasan ang kaisipang Marcos resign at pagdodroga ni Pangulong Bongbong at pangkalahatang laban sa korapsyon ang sinentruhan nito.

Ayon sa CBCP, kontra sila sa pagpapabagsak sa gobyerno, pagtatayo ng military junta o revolutionary government, pwersahang pag-resign ng pinakamatataas na lider ng bansa.

88 diocese ang umano’y sumali sa Trillion Peso March dito bagaman, naglunsad ng mga hiwalay na dioces sa Mindanao at Visayas ng mga sarili nilang Trillion Peso March.

May hindi nga sumunod dito na parang bulag at walang iba kundi si Davao Archbishop Romulo G. Valles.

Dito niya kinuwestion ang pagdo-droga ng Pangulo sabay tanong kung mayroon itong kapasidad na mamuno ng bansa na lalong makasasama sa mga kabataan lalo’t tumatanggi itong sumailalim sa drug test, partikular ang hair follicle test.

Kinuwestiyon din niya ang P100 bilyong insertion ng Pangulo sabay tanong kung meron pang moral ascendancy o pagiging matuwid na ehemplo ang Pangulong nag-apruba sa 2025 pambansang badyet o General Appropriations Act na dito nakapaloob ang nasabing insertion na may malaking kikbak.

Kinuwestiyon din niya ang pagiging independent at makatotohanan ng Independent Commission for Infrastracture at maging ang Senate Blue Ribbon Committee kung maliliit lang ang iniimbestigahan ng mga ito samantalang hindi ang pinakamatataas na opisyal ng Pinas.

KWENTONG BARBERO

May ilan nakausap ang ating Uzi na mga barbero at alam ba ninyo ang kanyang natuklasan?

Hindi tsismoso at hindi rin mababaw ang kamalayan ng mga ito sa mga nagaganap kundi makatotohanan at malalalim at ito’y dahil sa paglaganap ng sari-saring pinanggagalingan ng impormasyon mula sa mga diaryo, radio, telebisyon at social media.

Alam nila ang ukol sa pangangailangan ng hair follicle test bilang bunga ng isiniwalat ni Senador Imee Marcos na dapat isagawa ng Pangulo, ang P100B insertion na may kikbak, trilyong nakawan sa mga proyekto ng gobyerno.

At nagulat ang ating Uzi sa nalamang gusto na nilang magkaroon ng pagbabago at huwag nang hintayin ang halalang 2028.

Nasisira na raw ang bansa at sobra nang naghihirap ang nakararami.

Say ninyo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here