Home NATIONWIDE Zaldy Co posibleng nasa Portugal – DILG

Zaldy Co posibleng nasa Portugal – DILG

221
0

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang nasa Portugal ang nagbitiwang Ako Bicol representative na si Elizaldy “Zaldy” Co, kasabay ng pag-aresto sa iba pang sangkot sa kontrobersiya sa flood control sa Oriental Mindoro, ayon sa Department of Interior Local and Government.

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na posibleng may hawak si Co na Portuguese passport, bagama’t maaaring nakansela na ito, na nagpapahirap sa extradition dahil walang kasunduan ang Pilipinas at Portugal.

Hinikayat niya ang mga Pilipino sa buong mundo na i-report online ang anumang makitang si Co.

Noong Nobyembre 21, inisyu ang warrant of arrest laban kay Co at sa 15 iba pa kasunod ng kasong korapsyon at malversation kaugnay sa umano’y P289-milyong flood control project. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here