Home NATIONWIDE Maikling araw, mas mahabang gabi mararanasan na simula Dis. 21

Maikling araw, mas mahabang gabi mararanasan na simula Dis. 21

268
0

MANILA, Philippines – Magsisimula nang maramdaman ang pinakamaiikling araw at pinakamahabang gabi sa hilagang hemisphere sa Disyembre 21 dahil sa December Solstice, ayon sa PAGASA.

Makikita rin ngayong buwan ang mga planetang Saturn at Jupiter sa gabi, at ang Mercury bago sumikat ang araw. Sa Disyembre 27, magmumukhang magkatabi ang Buwan at Saturn sa konstelasyong Pisces at Aquarius pagkatapos ng paglubog ng araw.

Ang comet C/2025 T1 (ATLAS) ay makikita gamit ang binoculars o maliit na teleskopyo sa kanlurang kalangitan mula unang bahagi ng Disyembre hanggang ikatlong linggo.

May dalawang pangunahing meteor shower: ang Geminids mula Disyembre 4–17, na rurok sa ika-14, at ang Ursids mula Disyembre 17–26, na rurok sa ika-22. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here