Home NATIONWIDE P155-M lotto jackpot, nasolo ng Caviteño

P155-M lotto jackpot, nasolo ng Caviteño

268
0

MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya mula Cavite ang nakakuha ng P155-milyong Ultra Lotto 6/58 jackpot sa draw noong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes.

Tinayaan ang panalong numero na 26-08-20-03-58-28 sa Sunny Brook 1, Barangay San Francisco, Gen. Trias, Cavite. May isang taon ang nagwagi para i-claim ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, dala ang winning ticket at dalawang valid ID.

Ang lotto winnings na higit PHP10,000 ay may 20% buwis at ang hindi makukuhang premyo matapos ang isang taon ay mao-forfeit.

Ayon sa PCSO, 24 bettors ang nanalo ng PHP120,000 sa pagtama ng limang numero; 1,519 ang makatatanggap ng PHP2,000 para sa apat na tama; at 27,915 ang mabibigyan ng PHP100 para sa tatlong tama.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Hinikayat ng PCSO ang publiko na suportahan ang kanilang mga laro dahil napupunta ang malaking bahagi ng kita sa charity programs ng gobyerno.

Samantala, walang nanalo sa jackpot sa major lotto draws ng PCSO noong Lunes, Disyembre 1.

Ang Megalotto 6/45 winning combination ay 22-07-01-12-28-37 na may jackpot na PHP8.91 milyon, habang ang Grand Lotto 6/55 na 38-41-42-02-05-49 ay may jackpot na PHP165.7 milyon.

Ang Megalotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes; ang Grand Lotto 6/55 naman ay tuwing Lunes, Miyerkoles, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here