Home NATIONWIDE Sen. Bato sasahod pa rin kahit ‘di nagpapapasok; walang no work, no...

Sen. Bato sasahod pa rin kahit ‘di nagpapapasok; walang no work, no pay

216
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na walang “no work, no pay” na patakaran para sa mga senador, at ang kailangan lamang ay magpasa sila ng pormal na liham kapag hindi makakadalo sa session o budget hearing.

Pahayag ito ni Gatchalian matapos matanong tungkol kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na hindi dumadalo sa plenary sessions mula Nobyembre 11 nang walang ipinalalabas na dahilan.

Ayon sa kanya, dapat magsumite ang senador ng paliwanag sa komite at sa Senate President dahil ito ang magsisilbing opisyal na dahilan ng pagliban.

Ibinahagi rin ni Gatchalian na siya ang napilitang dumipensa sa budget ng Department of National Defense matapos ipaalam lamang ng staff ni Dela Rosa na hindi ito makakadalo. Aniya, maaaring kailangan pag-usapan sa caucus ang mga contingency sa ganitong sitwasyon.

Dagdag niya, wala pang umiiral na patakaran para sa matagal o hindi iniaabisong pagliban ng mga miyembro ng Senado.

Nilinaw niyang iba ang sitwasyon ng mga empleyado ng Senado, lalo na ang daily wage earners, na sakop ng totoong “no work, no pay” na sistema. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here