Home NATIONWIDE Destab plot vs PBBM, itinanggi ng Ex-AFP chief

Destab plot vs PBBM, itinanggi ng Ex-AFP chief

242
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni dating Armed Forces chief of staff General Andres Centino ang mga alegasyong may retired generals na nagbabalak pabagsakin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng paratang ng malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Centino, na ngayon ay namumuno sa Presidential Office for Maritime Concerns, nagkakaisa ang mga dating opisyal ng militar laban sa korapsyon at nais nilang tuluyang mawala ito dahil sa masamang epekto nito sa bansa.

“We are all against these practices, and we should ensure that these practices are eradicated,” aniya.

Nang tanungin kung may nalalaman siyang destabilisasyon, tugon niya: “May plots ba against the President? Wala naman po sa amin or sa atin.”

Dalawang beses nagsilbi si Centino bilang AFP chief at dati ring commanding general ng Philippine Army.

Nauna nang itinanggi ng Department of National Defense ang mga ulat na may kinalaman ang dating opisyal ng militar sa anumang destabilization plot. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here