Home NATIONWIDE PBBM, walang kinalaman sa suspensyon ni Rep. Barzaga – Palasyo

PBBM, walang kinalaman sa suspensyon ni Rep. Barzaga – Palasyo

229
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malacañang nitong Martes na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon ng House of Representatives na suspindihin si Cavite Rep. Kiko Barzaga, at ito ay nasa hurisdiksyon lamang ng Malaking Kapulungan.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, “fully respects” ng Pangulo ang kapangyarihan ng House na magpataw ng disiplina sa mga miyembro.

Dahil sa insidente, ipinahiwatig ni Barzaga na ang suspensiyon ay may motibong politikal dahil sa kanyang kritisismo sa administrasyon, ngunit sinabi ni Castro na ang mga alegasyon—pag-post ng lewd photos at alitan tungkol sa diumano’y disinformation sa AFP—ay walang kinalaman sa Pangulo.

“Para lamang ginagamit ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr. para ma-justify ang kaniyang sariling aksyon,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here