MANILA, Philippines — Itinulak ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mabilis na pagsasabatas ng panukalang magbabawal sa mga kamag-anak ng public officials na makakuha ng kontrata sa gobyerno.
Tinukoy ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1962 o Government Contracting and Procurement Integrity Act, na inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa.
Sa ilalim ng panukala, bawal pumasok sa government contracts ang mga kamag-anak hanggang fourth civil degree of consanguinity o affinity kung ang kanilang kaanak na opisyal ay may tungkulin sa naturang ahensiya.
Kabilang sa sakop ang mga elected national at local officials, Cabinet officials, senior government officials, officers at members ng government-owned or controlled corporations, at mga opisyal ng state universities.
Ayon kay Gatchalian, layunin ng panukala na matiyak na ang pondo ng bayan ay napupunta sa mga programa at proyektong pakikinabangan ng publiko at hindi lamang ng mga kamag-anak ng mga nasa kapangyarihan.
Sinabi niya na makatutulong din ang panukala upang palakasin ang transparency at safeguards laban sa corruption sa government procurement.
Itinutulak ang naturang hakbang sa gitna ng mga kontrobersiya kaugnay ng ilang government infrastructure at flood control projects. RNT