Home NATIONWIDE VP Sara bumisita kay Digong matapos tablahin ng ICC ang interim release

VP Sara bumisita kay Digong matapos tablahin ng ICC ang interim release

241
0

MANILA, Philippines – Bumisita si Vice President Sara Duterte sa kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa The Hague sa unang pagkakataon mula nang tanggihan ng ICC Appeals Chamber ang kanyang kahilingan para sa interim release.

Ayon kay Sara Duterte, ang pagbisita ay nakatuon sa pamilya, politika, at kasalukuyang pangyayari, at hindi sa desisyon ng korte.

“Hindi na niya nabanggit actually kanina. Hindi ko na tinake-up kasi ayokong ako yung mag-ano,” ani niya.

Itinanggi ng ICC ang mga argumento ng depensa tungkol sa posibleng banta sa mga testigo, kakayahan ng host country na pangasiwaan ang panganib, at mga konsiderasyong humanitarian kabilang ang kalagayan ng kalusugan ni Duterte.

Binanggit ni abogado Nicholas Kaufman na ang 80-taong gulang na dating pangulo ay may cognitive impairment, kaya hindi siya malamang na tumakas o manakot ng testigo.

Ayon sa ulat, nadismaya si Duterte ngunit hindi nagulat sa desisyon. Inaasahan ng kanyang legal team ang report mula sa ICC-accredited medical experts tungkol sa kanyang kakayahang humarap sa paglilitis na maaaring ilabas sa paligid ng Disyembre 5. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here