MANILA, Philippines – Sinisiyasat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na may mga Pilipinong nire-recruit para lumahok sa Ukraine-Russia conflict, ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla nitong Martes.
Binigyang-diin ni Padilla ang pag-iingat sa pagkalat ng maling impormasyon at ang kahalagahan ng maingat na pagsusuri.
Binanggit ng AFP na itinanggi ng embahada ng Ukraine at Germany sa Maynila ang mga alegasyon.
Ayon sa ulat, diumano’y nagha-hire ang U.S. ng mga Pilipino para sa Ukrainian Armed Forces, at nagbibigay ng Schengen visa sa German Embassy sa Maynila.
Nakikipag-ugnayan ang AFP sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers kaugnay sa isyung ito. Dave Baluyot