Home NATIONWIDE 92 Pinoy na apektado ng Hong Kong fire, natunton na

92 Pinoy na apektado ng Hong Kong fire, natunton na

202
0

MANILA, Philippines – Lahat ng Pilipinong apektado ng malagim na sunog sa Hong Kong ay accounted for na, ayon sa Philippine Consulate General nitong Martes.

Kinumpirma ng Consulate na natukoy na ang lahat ng 92 Pilipino na may kaugnayan sa Wang Fuk Court residential complex. Ang huling dalawang OFW na nasa listahan para sa beripikasyon ay nasa Pilipinas na bago naganap ang sunog.

Ang insidente — ang pinakamalalang sunog sa Hong Kong sa loob ng isang dekada — ay kumitil ng 151 buhay, kabilang si OFW Maryan Pascual Esteban na nakatakda sanang umuwi ngayong Pasko. Nanatili namang naka-confine si Rhodora Alcaraz matapos masugatan habang inaalagaan ang kanyang tatlong-buwang gulang na alaga.

Ayon kay Hong Kong Labour and Welfare Secretary Chris Sun, tatanggap ng humigit-kumulang HK$800,000 ang pamilya ni Esteban, habang ang mga pamilya ng nasugatan ay makatatanggap ng HK$50,000 o HK$100,000 depende sa haba ng kanilang pananatili sa ospital.

Ipinabatid din ng Consulate na may libreng pagpapalit ng Hong Kong IDs at iba pang dokumento para sa mga nasunugan. Ipagkakaloob ito sa Immigration headquarters sa Tseung Kwan O mula Dec. 1–5 (6 p.m.–10 p.m.) at Dec. 6 (1 p.m.–10 p.m.), kasama ang transportasyon mula sa mga pansamantalang shelter. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here