Home NATIONWIDE Shari’ah Special Bar Exam application, bukas ‘gang susunod na linggo

Shari’ah Special Bar Exam application, bukas ‘gang susunod na linggo

256
0

MANILA, Philippines – Tumatanggap na ng aplikasyon ang Korte Suprema para sa mga kukuha ng Shari’ah Special Bar Examinations sa susunod na taon.

Ayon sa SC, nagsimula kahapon ang application period para sa 2026 Shari’ah Bar Exams.

Tatagal ito hanggang alas-singko ng hapon sa December 12, araw ng Biyernes.

Inilabas na rin ng Office of the 2026 Shari’ah Special Bar Chairperson, ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ang iba pang detalye gaya ng application fees at proseso ng pagbabayad.

Ipinaalala naman ni Justice Inting sa mga kukuha ng pagsusulit na maghanda nang mabuti at ilaan ang sarili sa responsibilidad na kaakibat ng propesyon.

Ayon kay Justice Inting, ang mga hakbang na ito ay bahagi pa rin ng SC para palakasin at mapabuti ang Shari’ah legal system sa Pilipinas.

Itinakda ang Shari’ah Special Bar sa May 24 at May 27, 2026.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here