Home NATIONWIDE Record ni Lacson sa pagtatago, hihigitan ni Bato

Record ni Lacson sa pagtatago, hihigitan ni Bato

215
0

MANILA, Philippines — Nagbiro si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na hihigitan niya ang record ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa pagtatago.

Ayon kay Lacson, sa chat kasama ang ibang senador, tinanong niya si Dela Rosa kung kumusta siya, at sumagot ang senador: “Sir, I’m going to break your record for hiding, then followed by a haha” ani Lacson.

Binanggit ni Lacson na hindi tulad ng nangyari sa kanya noong 2010, wala pang opisyal na warrant laban kay Dela Rosa.

Huminto ang senador sa pagdalo sa mga sesyon ng Senado simula Nob. 10 matapos igiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may warrant na ang International Criminal Court kaugnay ng war on drugs noong panahon ni Duterte.

“Ang advice ko sa kanya kung wala siyang intensyon na mag surrender, magtago siyang mabuti. At advice ko sa law enforcement, hanapin nyo siyang mabuti. Trabaho nila yun e, maghanap,” ani Lacson.

Si Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police, at si Duterte ay kabilang sa mga inakusahan sa ICC para sa crimes against humanity. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here