Home METRO 17-anyos na buntis grinipuhan ng 21-anyos na asawa

17-anyos na buntis grinipuhan ng 21-anyos na asawa

232
0

Maguindanao – Patay ang isang 17-anyos na buntis matapos umanong saksakin ng kaniyang 21-anyos na asawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Linggo sa Barangay Pinaring.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng ulat ng domestic violence bago matagpuan ang biktima na duguan at may mga saksak.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi na nakaligtas.

Nahuli ang suspek ilang oras matapos ang krimen, at patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here