MANILA, Philippines – Patay ang isang 44-anyos na lalaki sa Mariveles, Bataan matapos umano siyang barilin ng lalaking kaniyang sinisingil ng utang na P150.
Nangyari ang insidente sa Barangay Camaya.
Ayon sa pulisya, pinuntahan ng biktima ang bahay ng suspek para singilin ang maliit na utang, na nauwi sa pagtatalo bago siya barilin gamit ang improvised na baril.
“According sa witness, actually po ‘yun po ‘yung kapatid ng suspek eh may narinig po siya ng sudden burst po ng firearm. Paglabas po niya, ‘yung kapatid niya improvise firearm po ‘yung boga. And from there po nakita po ‘yung victim na nakahandusay po sa daan,” ani Police Lt. Col. Mar Joseph Ravelo.
Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival. Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang suspek at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. RNT