Home METRO 74-anyos pinagtataga ng apo sa Davao

74-anyos pinagtataga ng apo sa Davao

218
0

DAVAO – Isang 74-anyos na lalaki ang umano’y pinagtataga ng kanyang apo sa Lungsod ng Davao noong Lunes.

Nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Sitio Camella, San Rafael, Barangay 9A.

“Pagkarinig namin ng ingay, agad kaming pumunta ng partner ko para tingnan ang lolo namin. Hindi ko makakalimutan nang tinawag niya ako para humingi ng tulong. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko ang kapatid ko sa labas ng kuwarto ng lolo namin, hawak ang dalawang kutsilyong may dugo,” ayon sa utol ng suspek.

Ayon sa imbestigador, may mga sugat sa dibdib at batok ang biktima.

Madalas na umanong nagbabanta ang suspek sa kanyang lolo at may iniulat na karamdaman sa pag-iisip.

Nagdesisyon ang pamilya na huwag magsampa ng kaso, at dadalhin ang suspek sa ospital para sa medikal na paggamot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here