MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 25-anyos na lalaki matapos siyang barilin sa loob ng isang bar sa Lungsod ng Tagum, Davao del Norte dahil umano sa pagkuha ng kanta ng ibang kostumer sa karaoke.
Inihayag ng Tagum City Police na ang biktima ay isang harvester mula sa Lungsod ng Mati, Davao Oriental.
Ayon sa mga awtoridad, umiinom ang biktima kasama ang isa pang lalaki nang magalit ang suspek na nakaupo sa malapit dahil sa napiling kanta.
Binaril ng suspek ang biktima sa baba at agad na tumakas.
Dinala ang biktima sa ospital, at iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. RNT