Home HOME BANNER STORY Kaso vs Bong Revilla, iba pa inirekomenda ng ICI sa flood control...

Kaso vs Bong Revilla, iba pa inirekomenda ng ICI sa flood control anomaly

321
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsampa ng kaso laban kay dating Senador Bong Revilla at ilang opisyal na naiuugnay sa iskandalo sa flood control dahil sa posibleng bribery, korapsyon, plunder, at mga paglabag sa administratibo.

Ipinahayag ni ICI chairperson Andres Reyes Jr. ang rekomendasyon matapos magbitiw si dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson dahil sa sobrang stressful na gawain.

Kasama sa mga pinangalanang opisyal sina Maynard Ngu, Carleen Villa, Gerard Opulencia, Manny Bulusan, Roel Umali, Gene Ryan Altea, J.Y. Dela Rosa, “Mrs. Patron”, at Carlo Aguilar.

Idinagdag ng ICI chair na maaari nilang kaharapin ang mga kaso na direct o indirect bribery, corruption of public officials at andarambong maging ang “administrative sanctions, among others.”

Nabanggit si Revilla ni dating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara sa kanyang sworn statement, na nagsasabing siya at iba pang mambabatas ay tumanggap ng suhol mula sa mga budget insertion.

Si Ngu, negosyante at dating espesyal na emissary sa China, ay inakusahan na naghatid ng P160 milyon kay Sen. Francis Escudero matapos maisama ang ilang proyekto sa General Appropriations Act. Iniimbestigahan na siya ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, humiling si Villa, matalik na aide ni Makati Mayor Nancy Binay, ng 15 porsyentong bahagi mula sa mga nakalistang proyekto, na diumano’y naihatid sa tahanan ni Binay.

Sina Opulencia at Altea ay mga DPWH opisyal na nasangkot din sa flood control scandal. Tinukoy din ni Bernardo si “JY Dela Rosa,” staff ni dating Senadora Grace Poe, na humiling na maisama ang ilang infra projects na hawak ng contractor na tinatawag na “Mrs. Patron.”

Ani Reyes, may bagong ebidensya na maaaring magresulta sa dagdag na kaso laban kina Alcantara, Bernardo, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretary for Planning and PPP Maria Catalina Cabral, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, COA Commissioner Mario Lipana, at dating Bulacan assistant district engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Ipinasa rin ng ICI sa Ombudsman ang mga pangalan ng kasalukuyan at dating senador na sina Escudero, Binay, Poe, at Mark Villar para sa karagdagang imbestigasyon, na ayon kay Reyes, “Dahil sa bigat ng mga alegasyon, nirerekomenda rin ng komite na ang mga opisyal na ito ay i-refer sa Office of the Ombudsman para sa mas malalim na imbestigasyon at case build up, na may pag-unawa na anumang karagdagang ebidensya ay agad isusumite.”

“Ang hustisya ay istrikto.” Pinagtanggol din niya ang integridad ng ICI, na nagsabing, “We have been filing against almost everybody already. I think that’s amount to just enough trust that we are building for the Filipino people,” diin ni Reyes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here