Home OPINION SERBISYO PARA SA PERSONS LIVING WITH HIV LALONG PINATATAG NG PHILHEALTH

SERBISYO PARA SA PERSONS LIVING WITH HIV LALONG PINATATAG NG PHILHEALTH

231
0

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na patuloy nitong sinusuportahan ang mga Persons Living with HIV (PLHIV) sa pamamagitan ng mas pinalawak na Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Package. Layunin nitong magbigay nang mas malawak na saklaw ng serbisyong medikal at tulong pinansyal sa mga nangangailangan.

Bilang bahagi ng “Yaman ng Kalusugan Program” (YAKAP), pinaiigting din ng PHILHEALTH ang edukasyon at kamalayan hinggil sa HIV, kabilang ang kahalagahan ng maagang pagpapasuri at regular na pagpapaga­mot.

Tiniyak ng ahensya na lahat ng serbisyong ito ay isinasagawa nang may lubos na kumpidensyal na pangangalaga.

Kasabay sa obserbasyon ng “World AIDS Day” nitong Dis­yembre 1, 2025, na may temang “Overcoming disruption, transforming the AIDS response,” muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang pangangaila­ngan ng pagdedeklara ng national public health emergency, matapos makapagtala ng mahigit 5,500 na bagong kaso ng HIV mula lamang Hulyo 2025 hang­gang Setyembre 2025.

Ayon sa DOH, patuloy na tu­mataas ang bilang ng mga tina­tamaan, kabilang na ang mga na­sa mas batang edad.

Sinabi ni Dr. Edwin Mercado, PHILHEALTH acting president at chief executive officer, hinikayat niya ang publiko na huwag mag- atubiling magpakonsulta.

Aniya, wala daw dapat ipag- alala ang mga miyembro dahil narito ang PHILHEALTH upang tu­­gunan ang kanilang pa­nga­nga­ilangang medikal.

Hinikayat niya ang publiko na huwag matakot o mahiyang magpagamot at tiniyak niyang protektado ang kanilang perso­nal na impormasyon.

Mula sa naunang Php30,000, itinaas na sa Php58,500 kada taon ang benepisyo ng pinalakas na OHAT Package o katumbas ng 95 porsyento na pagtaas. Si­na­saklaw nito ang:

– Antiretroviral Therapy (ART) para sa lahat ng may kum­pirmadong HIV test mula sa DOH- certified facilities;
– Mga laboratory test, cli­ni­cal evaluation, at iba pang kinakailangang serbisyo para sa komprehensibong pangangalaga; at
– Pagsubaybay ng mga medical specialist upang matiyak ang tamang gamutan.

Ang pagpapalawak ng packa­ge ay alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Mar­cos, Jr. na palakasin ang benepisyong pangkalusugan, la­lo na para sa mga pasyenteng nangangailangan ng patuloy na gamutan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here