Home ENTERTAINMENT Tessie Tomas, nanawagan ng snap elections!

Tessie Tomas, nanawagan ng snap elections!

267
0

Manila, Philippines – Kung ang stand ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ay sudpendihin ang mga senador na sabit sa flood control anomaly at ipasa naman sa Kongreso ang anti-political dynasty bill, may panawagan din si Tessie Tomas.

Sina Catriona at Tessie ay dalawa lang sa ilang mga personalidad na lumahok sa Trillion Peso March nitong Bonifacio Day.

In her casual wear, nahingan ng reaksyon ang TV host-actress ng reaksyon kung ano ang ipinaglalaban niya–dahilan para ‘di niya palampasin ang rally.

Ani Tessie, higit daw kesa mga nakalipas na taon ay sukdulan na ang galit ng ating mga kababayan sa walang pakundangang pagnanakaw sa gobyerno.

“Tanggapin natin na galit na ang tao. Wala nang tiwala ang tao sa mga nasa gobyerno, halos lahat sa pamahalaan. Hindi na natin kayang palampasin ito. Dapat umaksyon na tayo!”

Sa isang banda, ine-echo o inaalingawngaw ni Tessie ang naging panawagan din ni Senator Allan Peter Cayetano–bagama’t ilang kabaro niya sa Senado ang tutol.

Ayon kasi sa suhestyon ng mambabatas, magkaroon ng snap elections.

For her part, Tessie qualified her similar stand–magbitiw lahat ang mga nasa puwesto para bigyang-daan ang isang halalan.

Samantala, agarang aksyon din ang demand ni Catriona.

Aniya, ang ating kawalan ng aksyon o pananahimik ay nagbibigay lang ng pagkakataon sa mga opisyal sa patuloy nilang pangungurakot. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here