Manila, Philippines – Galak na galak na tinanggap ni Vilma Santos ang kanyang ikasampung Best Actress trophy sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies.
Inisa-isa nga ng aktres-pulitiko ang sampung pelikula na nagpanalo sa kanya ng nasabing kategorya spanning her 23 years in showbiz.
Binasa niya ang mga ‘yon sa kapirasong papel na iniabot daw sa kanya ng isang fan.
Vilma won for the MMFF 2024 entry Uninvited na napanalunan din ng co-star niyang si Aga Muhlach who tied with Dennis Trillo, at sa direktor nitong si Dan Villegas.
Bale all in all ay pitong award ang nakuha ng nasabing pelikula.
Ayon sa mga comment, vindicated daw ang aktres dahil inisnab siya sa iba’t award-giving bodies.
Hindi kasi ipinagkaloob sa kanya ang Best Actress award sa Gawad Urian at Eddy’s.
Pero marami rin ang hindi napigilang mamangha sa “radar” ng fan na nag-abot kay Vilma sa papel containing the list of her previous films which gave her the said award.
Paano raw nahulaan ng fan na siya ang winner, making it her 10th Best Actress trophy?
Sana raw ay hindi na binasa ng aktres ang nakasulat doon, at okey na nagpasalamat na lang sa fan.
Hindi naman kinukuwestyon ang husay ni Vilma mapa-anong pelikulang pagbidahan, but her reading the list only gave way to “public doubts” na baka nagkaroon ng “leak.”
Hindi rin daw in question ang credibility ng PMPC Star Awards.
As in any award-giving body naman, laging isyu ang mga results.
Hindi na kasalanan ‘yon ng mga tinatanghal na winner kung hindi man masaya ang mga manonood sa resulta. Ronnie Carrasco III