Home ENTERTAINMENT Aiko, bumanat kay DTI sec sa P500 noche buena!

Aiko, bumanat kay DTI sec sa P500 noche buena!

268
0

Manila, Philippines – Ipinagpipilitan pa rin ni DTI Secretary Cristina Roque na kakasya ang halagang P500 bilang pang-Noche Buena sa hapag-kainan ng ordinaryong Pinoy.

Dumarami tuloy ang mga artistang bumabatikos sa Kalihim.

Ang dumagdag nga’y si Quezon City Councilor Aiko Melendez.

Sa seryosong himig ng pananalita, rumesbak ang aktres-pulitiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Aniya, huwag naman sanang insultuhin ni Roque ang mga Pilipino.

Ayon kasi kay Roque–depende raw sa bilang ng mga kakain–sa halagang P500 ay puwede na raw magkaroon ng ham, spaghetti at macaroni salad.

Pinatulan naman ito ni Aiko–ano daw ba ang size ng queso de bola na karaniwang staple na inihahanda sa Noche Buena–ga-holen?

Umani ng maraming reaksyon ang tinuran ni Aiko–saying na buti sana kung the size of a playing marble ang cheese ball.

Ang sabihin ‘ika mo ni Roque–baka kasinglaki ng bilo-bilo!

lisa lang ang komento ng ating mga kababayan–sa taas ng mga bilihin ngayon, saan aabot ang budget na P500?

To insist it can buy ham, spag and macaroni salad is nothing short of an insult nga naman to every Filipino consumer! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here