Home METRO 3 tripulante sugatan sa sunog sa cargo vessel sa North Harbor, Maynila

3 tripulante sugatan sa sunog sa cargo vessel sa North Harbor, Maynila

241
0

MANILA, Philippines – Tatlong tripulante ang di umano’y sugatan sa naganap na insidente ng sunog sa isang cargo vessel sa North Harbor sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-7 ng gabi nang makitaan ng makapal na usok ang MV Meridian Dos Tacloban habang nakaangkorahe.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire out matapos ang mabilis na pagresponde ng mga bumbero.

Sinubukan pa umanong apulahin ng mga tripulante ang apoy kaya sila ay nasugatan at naisugod naman sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng agarang lunas.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa maaring naging sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here