Home OPINION EKONOMIYA BAGSAK HANGGANG 2027

EKONOMIYA BAGSAK HANGGANG 2027

392
0

ANG sama ng pagtanaw ng ibang mga bansa sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ng Organization for Economic Cooperation and Development na binubuo ng 38 bansa, kasama ang Japan at South Korea, na hindi makakamit ng Pilipinas ang mga target nitong pag-unlad mula 2026 hanggang 2027.

Ito’y sa kabila nang pagpipilit ni Pangulong Bongbong Marcos na makamit natin ang target na pag-unlad.

Sa Senado, sinabi ni Senador Dante Marcoleta na nasa P30 trilyon ang kabuuang halaga ng Gross Domestic Product ng bansa o pinagsamang halaga ng mga produkto at serbisyo.

Ayon sa OECD, nasa 4.7 porsyento lang ng GDP ang makakamit na pag-unlad natin ngayong 2025 mula sa target na 5.6% at lalong bababa sa 2026 sa 5.1 mula sa target na 6.0% ngunit sa 2027, tataas naman sa 5.8%.

Ayon pa rin organisasyon, mula 2023 hanggang 2025 na pag-upo ni Marcos, nanatiling maliit ang pag-angat ng bansa kumpara sa mga target nito na 5.5% para sa 2023 kumpara sa target na 6.0-7.0%; 2024 – 5.7% sa target na 6.0-6.5%.

Kabilang sa mga pangunahing problema ang pagliit ng pondo sa infrastructure projects lalo’t lumitaw ang mga anomalya rito, hindi na lang sa mahigit P1 trilyong anti-flood projects sa nakalipas na tatlong taon kundi sa iba pa.

Sa 2025 lang, nasa 60 classroom lang ang nagawa para sa para sa Department of Education habang nasa P180B na ang natuklasang ghost flood control projects, bukod pa ang mga substandard mula 2016 hanggang 2025 at pinakamalaking bulto rito ang sa unang tatlong taong termino ni Marcos.

Iba pa ang P100B insertion sa 2025 budget na may P25 kikbak, ayon kay Zaldy Co.

Paano kaya paikutin ang P30T GDP para magbunga ng pag-unlad natin sa gitna ng mga anomalya na nag-uugat mismo sa pambansang badyet na inaaprubahan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos mismo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here