Home OPINION PULIS, KORAPSYON, AT GRADONG BAGSAK

PULIS, KORAPSYON, AT GRADONG BAGSAK

337
0

LAMAN ng sarbey ng NW Numero ang bagsak na suporta ng mga mamamayan kay Pangulong Bongbong Marcos ngayon.

Ayon sa nasabing sarbey, tumaas ang grado sa performance o gawa ni Pang. Bongbong mula sa 29 porsyento noong Abril 2025 sa 35% makaraan nitong kondenahin ang korapsyon sa flood control projects sa mga salitang “Mahiya naman kayo!” sa kanyang 2025 SONA.

Ngunit matapos lang ang tatlong buwan, bumagsak ito sa 21% o 1 lang mula sa 5 sa palpak na pagtugon nito sa korapsyon na kanya mismong pinasimulan na pinalala ng bintang na sangkot siya mismo sa korapsyon.

Matatandaang isinangkot muna ang kanyang pinsan na si ex-Speaker Martin Romualdez, kakosa nitong si ex-Ako Bicol Representative Zaldy Co at Executive Secretary Lucas Bersamin na naituring na Little President na pare-parehong nagsipagbitiw sa kanilang mga pwesto.

VP SARA DUTERTE TUMAAS

Sa kabilang banda, mga Bro, mula sa 40% noong nakaraang sarbey, tumaas pa sa 43% ang performance rating ti Vice President Sara Duterte.

Bumagsak nang kaunti ang performance rating ni VP Sara sa 41% noong kasagsagan ng paninira sa kanya kasabay ng pagsasampa ng kasong impeachment ngunit nanatili itong mataas sa 40% at sa mga araw na ito, tumaas pa sa 43%.

Hindi natinag ang suporta sa kanya sa kabila ng tuloy-tuloy na paninira sa kanya.

Sa kabuuan, may 39 porsyento ang hindi desidido sa kung kanino sila susuporta lalo na kaugnay sa halalang presidensyal sa 2028 habang may 34% ang pro-VP Sara, 15% – ang pro-Marcos at 12% – ang opisisyon na kinabibilangan ng mga militante, dilawan at kakampink.

MGA MUNGKAHI PARA MAKABAWI

Mismong ang namamahala ang nagsabing kailangang magtrabaho nang husto si Pang. Bongbong lalo’t sa tingin niya ay hindi na makababawi ito ng malaking suporta mula sa sambayanan hanggang sa pagbaba niya sa pwesto.

Ngunit may paraan pa rin umano ang Pangulo para makabawi kahit papaan.

Kabilang na rito ang pagpupursigi nito na mayari ang mga inaakusahan sa war on drugs lalo na sa International Criminal Court, pag-impeach kay VP Sara.

Pero legacy o pamana na lang umano ang mga ito at hindi maituturing na pagbawi sa kawalan na nito ng suporta bilang Pangulo.

Waaaat?

MANGUNGULIMBAT

Nakaiiyak na nga ang nangyayari sa Pangulo, heto pa ang nagpapabagsak sa kanya.

Sunod-sunod ang mga iskandalo sa pulisya na mukha pa naman ng gobyerno sa mga mamamayan.

Makaraang mabuking ang mga rape at pagnanakaw ng 14 miyembro ng Philippine Drug Enforcement agency sa Cavite at pagtortyur umano ng mga pulis-Navotas sa dalawng a Calamba, Laguna at pagtortyur umano sa dalawang detenido sa murder, sumabog naman ang pangungulimbat ng milyones na salapi ng pitong pulis sa Bataan.

Ibinulsa ng 7 Criminal Investigation and Detection Group agent ang P13.451M mula sa P141.13M nasamsam nila mula POGO sa Bataan kamakailan.

Mismong si CIDG director M/Gen. Robert Alexander Morico ang nagbunyag nito.

Anak ng tokwa, paano makababawi ang Pangulo sa bagsak nitong grado kung puno ng mga mangingikbak at mangungulimbat ang kanyang gobyerno?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here