Home METRO P5.4M ‘shabubong’ nabuking sa Gen-Tri

P5.4M ‘shabubong’ nabuking sa Gen-Tri

231
0

MANILA, Philippines – Mahigit P5.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang natagpuan sa bubungan ng bahay sa General Trias, Cavite.

Ayon sa pulisya, nasa sampung pakete ang laman ng kahon. Natuklasan ito ng may-ari matapos marinig ang kalabog mula sa bubungan.

May isang babae na nakita umano na nagtatago sa lugar pero tumakas nang makita siya. Nalaman ng awtoridad na may isinagawang drug bust sa katabing bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here