Home NATIONWIDE VP Sara dinalaw puntod ng kanyang lolo’t lola

VP Sara dinalaw puntod ng kanyang lolo’t lola

2
0

MANILA, Philippines — Dinalaw ni Vice President Sara Duterte ang puntod ng kanyang paternal grandparents na sina Vicente at Soledad Duterte bilang bahagi ng paggunita sa Undas.

Ibinahagi ni Duterte nitong Lunes, Nobyembre 2, sa social media ang larawan ng kanyang pagdalaw sa puntod ng mga magulang ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kamakailan ay binisita natin ang libingan ng aking lolo at lola na sina Vicente at Soledad Duterte upang mag-alay ng panalangin at hilingin ang kanilang payapang pamamahinga sa kabilang buhay,” ani Duterte.

Isinama rin ng Bise Presidente sa kanyang post ang Bible verse mula sa Revelation 21:4 na tumutukoy sa pagkawala ng kamatayan, kalungkutan, pag-iyak at sakit.

Nauna ring nagbigay-pugay si Duterte sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Holy Cross Memorial Gardens sa Tacloban City.

Nag-alay siya roon ng mga bulaklak, nagsindi ng kandila at nanalangin para sa mga nasawi sa kalamidad.

Dinalaw din niya kamakailan ang Ormoc City Public Cemetery Mass Grave Memorial para alalahanin ang mga biktima ng 1991 flash flood sa Ormoc City. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here