Home NATIONWIDE OVP: Walang nakitang pagkawala, pagkasayang ng pondo ng gobyerno sa COA audit

OVP: Walang nakitang pagkawala, pagkasayang ng pondo ng gobyerno sa COA audit

295
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Office of the Vice President (OVP) na walang “finding of wrongdoing” sa ulat ng Commission on Audit (COA) tungkol sa kanilang budget noong 2024.

Ayon sa pahayag ng OVP, ang mga mahahalagang audit observations ay pang-administratibo lamang at tinalakay kasama ang pamunuan noong exit conference noong Mayo 15, 2025.

“The OVP highlights that there were no findings of loss or wastage of government funds or property in the audit, and all issues raised were primarily administrative… management agreed to implement all corresponding recommendations to address the observations for CY 2024,” ani OVP.

Binigyan ng COA ang OVP ng unmodified opinion, ang pinakamataas na antas ng katiyakan, na nangangahulugang maayos ang pagpapakita ng financial statements sa lahat ng mahahalagang aspeto.

“No finding of wrongdoing,” dagdag pa ng OVP.

Nilinaw ng COA na ang unmodified opinion ay hindi nangangahulugang walang natagpuang mali, kundi naitama na ang mga ito o hindi naman mahalaga, at hindi rin nito ipinapahiwatig ang buong pagsunod sa lahat ng batas o pagiging epektibo at episyente ng programa ng ahensya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here