Home NATIONWIDE P2-K buwanang allowance sa lahat ng PWD, isinusulong sa Kongreso

P2-K buwanang allowance sa lahat ng PWD, isinusulong sa Kongreso

388
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang mambabatas ng suporta para sa panukalang magbibigay ng P2,000 buwanang allowance sa lahat ng persons with disabilities (PWDs), anuman ang kanilang employment status. Ito ay bilang paggunita sa International Day of People with Disability.

Ayon kay Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas, inihain niya ang House Bill (HB) No. 3770, o ang proposed Disability Support Allowance for Persons with Disabilities Act, upang mas mapalakas ang suporta sa PWDs at matugunan ang “matagal nang socioeconomic barriers” na kinakaharap nila.

Kapag naisabatas, itatatag ng HB 3770 ang Disability Support Allowance Program — isang universal P2,000 monthly assistance para sa PWDs. Ang halagang ito ay i-index sa inflation upang mapanatili ang epekto nito sa pamumuhay at partisipasyon ng PWDs sa lipunan.

Ayon kay Vargas, mas madalas makaranas ng hirap ang PWDs kumpara sa karamihan ng populasyon kaya dapat silang tulungan ng gobyerno.

Sinabi niya, “Hindi pantay ang lipunan, lalo na para sa mga persons with disability. Kaya tungkulin nating isa-isahin at ayusin ang mga bagay na naglalagay sa kanila sa dehado.”

Ayon sa Section 5 ng bill, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangunahing magpapatupad ng programa, habang katuwang ang National Council on Disability Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Health, Philippine Statistics Authority, local government units, PWD organizations, at iba pang relevant stakeholders sa pag-develop ng sistema.

Lahat ng PWD na may valid disability ID ay makatatanggap ng allowance, kahit ano pa ang kanilang kita o trabaho. Hindi rin sila madi-disqualify kahit tumatanggap sila ng ibang benepisyo gaya ng 4Ps o diskwento tulad ng senior citizen benefits.

Kapag naisabatas, magkakaroon ng tatlong yugto ang pagpapatupad:

–Initial Phase (3 years) – para sa lahat ng PWDs 17 years old and below

–Second Phase (susunod na 3 years) – palalawakin upang isama ang PWDs 18 to 59

–Final Phase – sasakupin na ang buong PWD population

Para matiyak ang maayos na rollout, magtatayo rin ng disability data management system upang matukoy ang mga PWD na uunahing sakupin.

Sa kabuuan, ang layunin ng panukala ay masigurong walang PWD ang maiiwan pagdating sa tulong-pinansyal at social protection ng pamahalaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here