Home NATIONWIDE Legarda nanawagan sa pagpapatupad ng batas sa kalusugan, karapatan ng PWD, sanggol

Legarda nanawagan sa pagpapatupad ng batas sa kalusugan, karapatan ng PWD, sanggol

248
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senadora Loren Legarda sa lahat ng kaugnay na ahensya ng gobyerno na ganap na ipatupad ang mga batas na kanyang inakda para sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino mula sa pagsilang hanggang sa pagtanda.

Sa kanyang pahayag noong December 3, tumugon si Legarda sa privilege speech ni Senator Raffy Tulfo tungkol sa mga programa sa kalusugan at serbisyo para sa may kapansanan, at pinatibay ito sa pamamagitan ng kanyang sariling mga batas.

Binanggit niya ang Newborn Screening Act of 2004 (RA 9288) na naglalayong masuri agad ang sanggol sa kapanganakan upang matukoy kung may kapansanan o kondisyong dapat agad gamutin.

Tinukoy din niya ang Universal Newborn Hearing Screening and Intervention Act of 2009 (RA 9709) para sa mga kapansanan sa pandinig, kung saan tumulong sila sa UP PGH na magkaroon ng ear department para sa hearing screening.

Bukod dito, binanggit niya ang kanyang trabaho sa amendatory law ng Magna Carta for Disabled Persons (RA 10070), pagpapalawak ng benepisyo sa ilalim ng RA 10754, at ang mandatory PhilHealth coverage para sa lahat ng PWD sa ilalim ng RA 11228.

Binigyang-diin ni Legarda na dapat masaklaw ng PhilHealth ang monitoring at screening para sa maagang pag-iwas sa kapansanan. Pinaalalahanan din niya ang mga ahensya na ang lahat ng LGU hospitals, DOH-retained hospitals, at iba pang pasilidad ay dapat ipatupad ang mga batas na ito.

Hinihikayat din niya ang respeto at tamang pagtrato sa mga PWD, kabilang ang paggamit ng wastong wika sa pakikipagkomunikasyon, bilang bahagi ng kanilang karapatan at dignidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here