Home NATIONWIDE Higit 10K pasahero stranded sa hagupit ni TD Wilma

Higit 10K pasahero stranded sa hagupit ni TD Wilma

186
0

MANILA, Philippines – Apektado na ang higit 10 libong pasahero kasama ang mga truck drivers, cargo helpers matapos ma-stranded dahil sa bagyong Wilma.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 96 ports ang apektado.

Hindi lamang mga pasahero ang stranded kundi pati ang  3,183 rolling cargoes, 133 vessels at 38 motorbancas.

Nagtatago o nakisilong naman sa ligtas na lugar o sa ibang pantalan ang 175 vessels at 114 motorbancas.

Karamihan sa mga naitalang stranded ay sa Southern Tagalog, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northeastern Mindanao, Bicol, Northern Mindanao at Southern Visayas.

Nanatili namang nakabantay ang PCG sa lagay ng panahon at sitwasyon sa dagat . Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here