MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Isa ang nasawi, habang sugatan ang isang municipal councilor matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang kanilang sasakyan sa Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur noong Huwebes.
Ayon sa ulat, ang nasawi ay isang magsasaka na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Ang sugatang konsehal na si Montasir Dimalido, na nagmamaneho ng sasakyan, ay dinala sa ospital at nakaligtas. Hindi nasaktan ang isa pang kasamang konsehal na si Abdulmanap Biang.
Sinabi ni Lt. Col. Jopy Ventura, tagapagsalita ng Police Regional Office-BAR, na inabangan sila ng riding-in-tandem sa motorsiklong walang plaka at pinaputukan pagdating sa lugar.
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang personal na alitan bilang isa sa posibleng motibo ng krimen. Ang nasawi ay kinuha na ng Vice Mayor ng Sultan sa Barongis, habang ang sugatang konsehal ay nasa stable condition. RNT/MND