Home METRO Higit 3-M inaasahang dadaan sa PITX sa Kapaskuhan

Higit 3-M inaasahang dadaan sa PITX sa Kapaskuhan

248
0

MANILA, Philippines – Inaasahang mahigit 3 milyon pasahero ang dadaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Disyembre 19 hanggang Enero 5 para sa Christmas travel rush, ayon sa terminal management.

Ayon kay Jason Salvador, PITX Corporate Communications head, inaasahan na makakatulong ang long weekend pagkatapos ng Pasko upang pantayin ang dami ng biyahero.

Binanggit din niya na mas madali nang makarating sa PITX mula sa bagong bukas na Asia World LRT station at patuloy na minomonitor ang pagtaas ng pamasahe, bilang ng bus, at kaligtasan ng mga pasahero.

Lahat ng biyahe sa terminal ay bukas na, ngunit marami na ang nakapag-book ng kanilang tiket nang maaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here