MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ng Consular Corps of the Philippines ang kanilang 50th anniversary sa isang annual ball noong Sabado, Disyembre 6, sa Makati Shangri-La.
Dumalo ang iba’t ibang konsul at diplomat kabilang si US Ambassador MaryKay Carlson at Consul Agnes Huibonhoa mula sa Gambia, dumalo rin sa anibersaryo ang First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon kay Huibonhoa, layunin ng event na palakasin ang magandang ugnayan ng bawat bansa sa Pilipinas at ipakita ang pakikipagtulungan.
Nangako rin siya na magkakaroon ng mas maraming charity projects sa 2026, kabilang ang pagtulong sa mga batang lansangan, feeding programs, at suporta sa mga nakatatanda. RNT/MND