Home METRO Higit 130-K katao hagip ng Tropical Depression Wilma, shear line

Higit 130-K katao hagip ng Tropical Depression Wilma, shear line

330
0

MANILA, Philippines – Ayon sa DSWD, higit 134,000 katao o 44,378 pamilya mula sa 340 barangay sa 7 rehiyon ang naapektuhan ng Tropical Depression Wilma at shear line.

Kasama rito ang Bicol, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.

Sa kasalukuyan, 14,930 katao o 4,633 pamilya ang nasa 64 evacuation centers, habang mahigit 300 pamilya ang nananatili sa tirahan ng kamag-anak o kaibigan.

Nagpadala na ang DSWD ng P1.7 milyon na tulong sa mga apektadong lugar.

Ayon sa PAGASA, humina na si Wilma at naging low pressure area, kaya tinanggal na ang wind signals sa bansa, ngunit hindi pa rin tinatanggal ang posibilidad na muling maging tropical depression kapag pumasok sa West Philippine Sea. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here